Sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa mga opisina ng pamahalaan at pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa buong bansa sa Lunes, Oktubre 16.

Bunsod ito ng ikinasang tigil-pasada ng ilang transport group bilang pagtutol sa jeepney modernization program.

Wala pa namang abiso ng suspensiyon ng pasok para sa Martes, Oktubre 17 na ikalawang araw ng transport strike.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nasa pagpapasya na ng mga employer sa mga pribadong kompanya kung magsususpinde rin ng pasok.

Share this post: